96

Paggamit ng dengue vaccine, delikado

Sharing is caring!

Inamin ng manufacturer ng kauna-unahang dengue vaccine sa mundo na nakakasama ang paggamit nito lalo na sa mga taong hindi pa naman tinamaan ng dengue.

“Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had a prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however…more cases of the severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection,” ayon sa statement na ipinalabas ng Sanofi Pasteur, ang maker ng nasabing dengue vaccine na Dengvaxia.

Naalarma naman si Newly appointed Health Secretary Fransisco Duque sa pahayag na ito ng Sanofi Pasteur at agad na inatasan ang Dengue Technical and Management Committee na makipagpulong sa mga expert para malaman kung ang dapat nilang susunod na aksiyon tungkol dito.

“The safety of the children vaccinated is paramount, and the Health Department will need to do surveillance of those given Dengvaxia with no prior infection. It’s really a big task,” ani.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Asya na nag-apruba sa paggamit ng dengue vaccine para sa edad na 9 hanggang 45 anyos noong 2015.

Bumili pa ang gobyerno ng P3 bilyong halaga ng Dengvaxia para sa bakuna ng halos isang milyong mag-aaral sa mga pampublic paaraan sa bansa na may mataas na bilang ng dengue.

Pinakamaraming naturukan ay mga mag-aaral as National Capital Region, Region 3, at Region 4A. Ang vaccine ay ginawa ng 3 beses kada anim na buwan simula noong 2016.

Ngayon pa lang inamin ng Sanofi Pasteur ang Dengvaxia ay hindi dapat gamitin sa mga taong hindi tinatamaan ng dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?