556

By

Pageant titleholder, arestado sa pyramiding scam

Sharing is caring!

Naaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) at Intelligence Division ang isang pageant title holder at presidente ng Hyper Program International Direct Sales and Trading Corporation dahil sa umano’y P1.6 bilyong pyramiding scam.

Kinilala ang suspek na si Darlito Marquez dela Cruz, 26-anyos, residente ng Binmaley, Pangasinan at Camara, Botolan, Zambales.

Ayon kay CIDG-ATCU Chief Police Supt. Roque Merdeguia, ala-una ng tanghali kahapon nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa Henson Ville, Amic, Angeles City, Pampanga.

Modus operandi ng suspek na mag-imbita o mag-recruit ng mga customers sa internet at social media site katulad ng Facebook para mag-invest ng cosmetics and health and wellness products na kikita umano ng 30 porsiyento hanggang 35 porsiyento.

Pero ang naging problema, nabigo ang kumpanya na maibigay sa kanilang mga customers ang na-invest nilang halaga na umabot sa P1.6 bilyon.

Ilan sa mga nabiktima ng suspek ay si Queen Ashley Ablan na tumakbo sa nakalipas na 2016 elections bilang kasapi ng Tanggol Maralita Partylist at isang Egyptian na si Ashraf Mohamed Abdelrahman Akl, na nakabase sa Kuwait na nakapangasawa ng isang Pilipina at nag-invest ng P15 milyon sa kanilang kompanya.

Naisampa na sa suspek ang kasong Syndicated Estafa at Estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?