24

Oct 10, 2021 @ 22:14
By

Pageant sa mga trans bubuksan sa Pinas

Magkakaroon na ang Pilipinas ng unang edisyon ng Miss International Queen Philippines, kung saan magpapatalbugan ang mga transgender women.

Para sa unang edisyon, 26 na trans ang sasalang sa kumpetisyon.

Ang mananalo rito ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen pageant sa Thailand sa Marso 2022.

Ayon sa direktor ng pageant na si Michelle Montecarlo, bukod sa pagrepresenta sa mga LGBTQIA+ ay paraan din ang pageant para i-promote ang human rights.

Bagamat ito ang unang edisyon ng Miss International Queen sa bansa, dalawang Pinay trans na ang nagwagi sa naturang kompetisyon, na sina Kevin Balot noong 2012 at Trixie Maristela noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?