178

Mar 17, 2020 @ 23:35
By

Pagdura, pagsinga sa Maynila bawal na

May parusa na laban sa mga mahuhuling dumudura o sumisinga sa mga kalsada sa Maynila.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8621 o “Anti-Spitting Ordinance of 2020”, nakasaad na sinuman ay pagmumultahin kapag dumura at suminga sa mga pampublikong lugar.

Multang P1,000 sa unang paglabag at P3,000 sa ikalawa at kapag umabot sa third offense, ang mga lalabag ay pagbabayarin ng P5,000 penalty; padadaluhin sa health seminar ng Manila Health Department o makukulong ng hindi lalagpas sa isang buwan.

Nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noong Marso 16 ang ordinansa na magiging epektibo sa Marso 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?