By

Pagdukot, pagpatay sa Pinay student sa Ireland sinisiyasat na

Sharing is caring!

Iniimbestigahan na sa Ireland ang pagdukot at pagpatay sa isang Pinay na estudyante.

Ang biktimang si Jastine Valdez (24) ay nabatid na dinukot noong nakaraang Sabado ng gabi sa Ireland ng isang lalaki na sakay ng isang itim na kotse.

Dalawang araw na nawala si Jastine bago natagpuan ang bangkay nito sa isang golf course.

Namatay naman ang suspek na kinilalang si Mark Hennesy matapos na manlaban sa mga pulis.

Posibleng “sexual assault” ang pakay sa krimen dahil hindi magkakilala ang biktima at salarin.

Si Jastine kasama ang kanyang pamilya ay lumipat sa Wicklow, Enniskerry mula sa Pilipinas noong 2014 at isang part time na accounting at finance student sa Tallaght Institute of Technology.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?