221

May 9, 2019 @ 14:11
By

Pagdinig sa Senado, set-up sana kay ‘Bikoy’ – Lacson

Inamin ni Senador Panfilo Lacson na ang pagdinig sanang gagawin sa Senado nitong Biyernes na kinansela ay set-up para malaman ang mga nasa likod ni “Bikoy”.

Ipinatawag na umano ng Senate committee on public order na pinamumunuan ni Lacson, si Peter Joemel Advincula, na nagpakilalang si “Bikoy” pero kinansela matapos ibunyag ni Senate President Tito Sotto na si Advincula at ang taong nag-ugnay din noong 2016 sa administrasyong Aquino sa iligal na droga ay iisa.

“Ang reason is, gusto sana naming makita sino ‘yung mga kasama ni Bikoy pagpasok, pagpunta sa Senate. So without even asking him kung sino ‘yung nagba-back sa kanya sino nagsusuporta, pwedeng makita natin,” ani Lacson.

Dagdag pa ni Lacson, nagkasundo sila ni Sotto na ilantad si Advincula at huwag nang ituloy ang pagdinig dito.

Sinabi rin nitong set-up sana ang pagdinig para kay “Bikoy”.

“Well, you make call it that, for lack of a better word. Set up talaga ‘yun, which did not happen,” ani Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?