339
Pagdinig sa Senado hinggil sa alegasyon ni ‘Bikoy’, itinakda
May 7, 2019 @ 15:10
By

Pagdinig sa Senado hinggil sa alegasyon ni ‘Bikoy’, itinakda

Magsisimula na ang Senate committee on public order and dangerous drugs sa gagawing pagdinig ukol sa mga isiniwalat ni alyas Bikoy.

Ani Senador Panfilo Lacson, chair ng naturang komite, itinakda ang pagdinig sa Mayo 10, alas-9:30 ng umaga.

“It will push through once Bikoy confirms his attendance with a sworn statement ready. In the meantime, we are doing some background investigation and record check on him,” ani Lacson sa Inquirer report.

Si “Bikoy” ang nasa likod ng mga video ng “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa mga kapamilya at malalapit na kasangga ng Pangulo sa illegal drug trade.

Noong Lunes isang Peter Joemel Advincula ang lumutang sa Integrated Bar of the Philippines office sa Pasig City at nagpakilalang siya si “Bikoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?