16

By

Pagdinig sa kasong murder vs Kerwin Espinosa, ipinagpaliban

Sharing is caring!

Hindi natuloy ang pagdinig sa kasong murder laban kay Kerwin Espinosa, ang umaming drug distributor sa Leyte na unang itinakda ngayong hapon sa Manila Regional Trial Court (MRTC).

Ayon sa notice ng MRTC Branch 40 na natanggap ng Department of Justice, naka-leave si Judge Alfredo Ampuan ngayon kaya muling itinakda ang pagdinig sa Nobyembre 20.

Kasama ni Espinosa na kinasuhan ng pagpatay kay chairman Vicente Jabon ng Barangay Donya Maria, Albuera, Leyte noong Mayo 2006 sina Max Miro at Stephen Bobares.

Una nang naghain ng not guilty plea si Espinosa nang basahan ng sakdal noong Agosto 31.

Bukod sa murder sa Manila RTC, nahaharap din si Espinosa sa kasong conspiracy to commit drug trading sa Makati RTC kaugnay ng kanyang pag amin sa Senate hearing noong 2016 na drug distributor siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?