313
ellen-john
By

Pagdinig sa kasong child abuse ni Ellen, dinaluhan ni John Lloyd

Tumagal lang ng wala pang kalahating oras ang preliminary investigation sa mga kasong cybercrime at child abuse na kinakaharap ni Ellen Adarna.

Itinakda ulit ang pagdinig sa Hunyo 25 dahil na rin sa kahilingan ng kampo ng respondent.

Imbes na si Adarna ang dumalo, ang boyfriend nitong si John Lloyd Cruz ang pumunta nitong Lunes sa hearing sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Ayon sa report, kasama ni Lloydie ang legal counsel ni Adarna sa pagdinig.

No-show din si Adarna noon sa first hearing sa mga kasong isinampa ni Myra Abo Santos, ang ina ng 17-anyos na babaeng inakusahan ng una na “paparazzi”.

Kaugnay ito sa insidente noong Mayo kung saan inakusahan ni Adarna ang dalagita sa social media na pangunguha umano ng larawan niya sa loob ng restaurant nang walang permiso.

Nagdesisyon ang pamilya ng dalagita na sampahan na ng kaso si Adarna matapos nitong balewalain ang hiningi nilang public apology.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?