138

By

Pagdinig sa kaso ni Trillanes, itinakda na ng Korte

Nagtakda ng pagdinig ang Korte na hiniritan ng Department of Justice na magpalabas ng alias warrant para maaresto si Senator Antonio Trillanes IV.

Setyembre 13, Huwebes, ang nakaiskedyul na hearing kaugnay ng kaso ni Trillanes.

Kasabay nito, binigyan ni Makati Judge Andres Soriano, ng RTC Branch 148, ng limang araw si Trillanes para magbigay ng komento sa ‘Very Urgent Ex-Parte Omnibus Motion for the Issuance of Hold Departure Order and Alias Warrant’ ng mga state prosecutor.

Humirit ng alias warrant ang DOJ dahil naibalik na sa Korte ang unang warrant of arrest na inilabas laban kay Trillanes nang hindi naisilbi sa senador bunga ng amnestiya na ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

May petisyon din ang DOJ sa korte na magpalabas ng hold departure order laban kay Trillanes sa katuwiran na may kakayahan itong lumabas ng bansa.

Una nang sinabi ni Soriano na hindi siya agad agad makakapagdesisyon sa petisyon ng DOJ dahil tambak na mga dokumento na may kinalaman sa kaso ang kailangan niyang masusing suriin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?