23

Jun 25, 2018 @ 12:07
By

Pagdinig sa hirit na fare hike ng PAL, itinakda na

Sa darating na Hulyo 10 ay diringgin na ng Civil Aviation Board (CAB) ang petisyon ng Philippine Airlines (PAL) at PAL Express na makasingil ng fuel surcharge sa kanilang domestic flights.

Sa petisyon, P158 hanggang P405 ang nais ng PAL na maidagdag sa kanilang pasahe.

Nabatid na inihirit ng PAL at PAL Express na makasingil sila ng P282 sa kanilang mga biyaheng Luzon to Luzon at Visayas; P405 naman sa Luzon to Mindanao; P158 sa Visayas to Visayas at P222 sa Mindanao to Visayas at Mindanao.

Sinabi ni PAL President and Chief Operating Officer Jaime Bautista, sa kanilang petisyon sa CAB noong Disyembre, nais nilang magtakda ng P51 hanggang P207 fuel surcharge dahil sa mataas na halaga ng petrolyo.

Ngunit ayon kay Bautista, nais nilang amyendahan ang petisyon dahil patuloy na nagmamahal ang presyo ng petrolyo.

Aniya, mula Enero hanggang nitong Abril tumaas ng $13 ang presyo ng petrolyo na kanilang ginagamit.

Inaasahan na makakakonsumo ng 11 milyong bariles ng petrolyo ang PAL ngayon taon kaya’t gagasta ito ng karagdagang $143 milyon para lang sa petrolyo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?