38

By

Pagdinig ng Senado sa jeepney phase out, kinansela

Sharing is caring!

Hindi matutuloy sa Huwebes ang dapat sana’y pagdinig ng Senate committee on public services sa jeepney modernization program na pinangangambahang mauuwi sa phase-out ng mga pampasaherong jeepney.

Ang nasabing pagdinig ang dahilan kaya nakumbinsi ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at iba pang transport groups ang ikinasang transport strike ngayong araw at bukas, Martes.

Ayon kay Sen. Grace Poe, itutuloy ang pagdinig sa Lunes sa susunod na linggo, Disyembre 11.

Pinagbigyan ang pakiusap ni Transportation Secretary Arthur Tugade na iurong ang petsa ng pagdinig dahil may mahalaga itong pupuntahan sa darating na Huwebes.

Itinakda ni Poe ang pagdinig sa araw na makakadalo si Tugade para siguradong makakaharap ito ng mga transport group na imbitado sa pagdinig.

“Nakiusap si Secretary Tugade kung puwede i-urong ang hearing sa Lunes. Ako na mismo ang nagdesisyon at aapela ako sa PISTON at sa ibang mga grupo na sa tingin ko ang layunin nila ay makaharap mismo si Secretary Tugade,” ayon kay Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?