7

By

Pagdepensa ng FCVBA title, mamaniin nina Que, Lim

Sharing is caring!

Nakatakda ngayong araw ang pag-alis ng mga miyembro ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) patungong Hat Yai, Thailand upang depensahan ang kanilang dalawang titulo sa 27th ASEAN Veterans Basketball.

Kasama ng grupo si Rain or Shine co-owner Terry Que, Ironcon Builders Jimi Lim, Eduard Tio at Johnny Chua ng Freego.

Kumbinsido si Que at Lim na kaya nilang depensahan ang kanilang 60-and-above and 65-and-above titles sa taunang torneo para sa mga Chinese descent.

“I think we are still capable extending our reign,” ani Que.

Ang ilan pang miyembro ng 65-and-above ay ang dating Crispa player na si Bong dela Cruz, MICAA player Zotico Tan, Johnny Chua, James Chua, Sonny Co, Antonio Go, Conrad Siy, Eddie Yap at Achit Kaw.

Sa 60s naman ay pangungunahan ni dating San Miguel star Elmer Reyes, Noli Banate ng Crispa, dating UE player na si Julio Cruz at dating La Salle stae Kenneth Yap bahagi din ng tropa sina Danilo Ching, Aries Franco, Andrew Ongteco, Danny Co, Jose Lao, Elmer Latonio at Ramon Mabanta.

Hindi naman magpapadala ng tropa ang 50-and-above team para idepensa ang kanilang titulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?