55

Jun 15, 2020 @ 16:11
By

Pagdawit ni Ressa kay Duterte sa cyber libel, sintunado – Roque

Walang basehan ang pilit na pag-uugnay ni Rappler CEO Maria Ressa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa guilty verdict nito sa kasong cyber libel.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos igiit ni Ressa na ang paghatol sa kanya ng korte ay may kinalaman sa pagsikil sa press freedom at para ipakita sa publiko na mayroong dapat katakutan sa administrasyon.

“Wala pong basehan ‘yan, she is barking at the wrong tree,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na wala sa tono ang ipinag-iingay ni Ressa dahil sa kabila ng mga batikos at banat sa Presidente ay hindi ito nagsampa ng kaso kahit kailan sa mga pumupuna at naninira sa kanya.

Isang patunay aniya na sinusuportahan ng Pangulo ang freedom of expression at freedom of the press ay nang suportahan nito si Alexander Adonis sa United Nations Human Rights Commitee para igiit na hindi dapat gawing kriminal ang libel at dapat ay gawing sibil ito.

“Ang Presidente ni minsan sa kanyang karera ay hindi po naghain ng kasong libel laban kahit kanino,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?