159

May 27, 2020 @ 19:59
By

Pagdating sa Chinese, Duterte tahimik – De Lima

Wika ni Senadora Leila De Lima, ‘di kataka-taka na walang kibo umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napapabalitang iligal na ospital na para lang sa mga Chinese national.

Ito, matapos bumulaga kahapon sa mga awtoridad ang isang iligal na klinika sa isang gusali sa Makati City.

Nanggalaiti ang nakapiit na senadora sa insidente, at kinwestiyon kung gaano karami pang iligal na pasilidad ang mabibisto habang kinahaharap ng gobyerno at ng bansa ang COVID-19 pandemic na nagmula sa Wuhan, China.

Matatandaang una nang ni-raid ng mga awtoridad ang iligal na “Chinese-only hospital” sa Clark Freeport, Pampanga at sa Baclaran, Parañaque.

“How many more are there such illegal facilities which are under the radar or our health system and with unreported COVID-19 cases, a situation which impacts heavily, and alarmingly, on government’s over-all response vs. COVID-19?” usisa ni De Lima, Miyerkoles.

“As usual, when it comes to Chinese shenanigans or nefarious acts, tahimik lang yung top man sa Malacañang sa bagay na ito. Very enraging!” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?