37

Apr 28, 2021 @ 11:32
By

Pagdating ng Sputnik V naudlot uli

Naantala sa ikalawang pagkakataon ang pagdating sa bansa ng Sputnik V, ang COVID-19 vaccine na mula sa Russia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagkaroon ng panibagong delay ang pagdating sana ngayong Miyerkules ng 15,000 doses ng Sputnik V dahil sa logistical challenge.

Kumilos na aniya si vaccine czar Secretary Carlito Galvez para malutas ang bahagyang problema sa pagdating sa bansa ng Sputnik V.

Sinabi ni Roque na posibleng sa susunod na buwan na matatanggap ang initial supply ng Sputnik V mula sa Russia.

“We confirm that logistical challenge resulted in the delay of the arrival of 15,000 trial order of Sputnik V. Vaccine czar Carlito Galvez has taken steps to address these challenges and aims to receive the initial order of the Russian vaccine in the month of May instead ” ani Roque.

Unang itinakda ang pagdating ng Sputnik V noong nakalipas na linggo subalit hindi ito natuloy.

Sinabi ng kalihim na walang direct flights mula sa Russia patungo sa Pilipinas at ang Covid vaccines ay mangangailangan ng negative 20 temperatura na maaaring makompromiso kapag ibiniyahe sa pamamagitan ng connecting flights hanggang sa makarating sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?