9

Mar 3, 2021 @ 16:00
By

Pagdating ng AstraZeneca vaccine kinumpirma ni Go

Inaasahang matatanggap na ng Pilipinas ang 487,200 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca sa Huwebes ng gabi, ayon kay Senador Christopher “Bong” Go.

Sabi ni Go, dating executive assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatanggap ng notice ang Pilipinas na darating ang COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca sa Marso 4.

“Yung hindi natuloy na pagpapadala ng bakuna nung Lunes mula sa AstraZeneca ay meron nang liham na darating na sana bukas ng gabi ‘yung 487,200 doses,” sabi ni Go.

Dagdag pa nito Go, personal nilang tatanggapin ng Pangulo ang pagdating ng AstraZeneca vaccines sa Villamor Airbase bandang alas-otso ng gabi.

Noong Lunes, dumating na sa Pilipinas ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?