32

Feb 28, 2021 @ 19:38
By

Pagdating ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa bansa, delayed ng 1 linggo – Duque

Mauunsyami ang inaasahang pagdating ng 525,600 AstraZeneca COVID-19 vaccine mula COVAX facility ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Hindi matutuloy [ang pagdating ng AstraZeneca]. Ang sabi ng WHO, nagkakaproblema sila sa supply, maaantala pa raw ng mga isa pang linggo,” aniya sa panayam ng PTV 4 kanina.

Magugunitang inanunsyo ni Senador Bong Go kahapon na darating na sa bansa ang naturang bakuna bukas, Marso 1.

“Dahil ang dadating sa Lunes ay galing sa AstraZeneca… nagkausap kami ni [vaccine czar] Sec. [Carlito] Galvez [Jr.] ang darating ay 525,600 AstraZeneca vaccines. Ito po ay under sa COVAX facility,” wika niya.

BASAHIN: AstraZeneca vaccine darating na sa Marso

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?