139

Oct 30, 2017 @ 17:16

Pagdagsa ng tao sa Manila North Cemetery, nag-umpisa na

Umaabot na sa 20,000 katao ang bumisita ngayong araw sa Manila North Cemetery (MNC).

Ayon kay Daniel Tan, director ng MNC, isa sa pinakamalaking libingan sa Maynila, na hindi pa ngayon ang buhos ng mga tao.

Aniya, karaniwang dumaragsa ang mga bumibisita sa MNC kapag pumatak ang Oktubre 31 at sa mismong araw ng Undas, Nobyembre 1.

Mula noong Sabado hanggang kanina ay umaabot na sa mahigit 100,000 na katao ang tumungo na sa MNC.

Sa kalkulasyon ni Tan, umaabot ng hanggang dalawang milyong katao ang tutungo sa MNC o hanggang Nobyembre 2.

Mahigpit ang paalala ni Tan na bawal na magpasok ng spatula, thinner, panlinis, aso, gitara, sound system, speaker, alak at mga matutulis na bagay na maaaring makapanakit, gayundin ang pagsusugal. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?