1,041

Feb 19, 2018 @ 14:22
By

Pagdagsa ng cabinet members sa Senado, kinantiyawan ni Chiz

Pinuna ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang mga miyembro ng gabinete na dumagsa sa Senado para sa pagdinig ukol sa Navy frigate deal kung saan humaharap si Special Assistant to the President Bong Go.

Sinita ni Escudero na halos lahat ng mga miyembro ng gabinete ay sa session hall kung saan ginaganap ang pagdinig kaya tanong niya kung sino ang kasama ngayon ni Pangulong Duterte.

Liban kay Go na inaakusahang nakialam sa Navy frigate project, lumutang sa pagdinig sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesperson Harry Roque, Communications Secretary Martin Andanar, Labor Secretary Silvestre Bello, Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, Foreign Affairs Secretary Alan Pete Cayetano , Budget Secretary Benjamin Diokno, Presidential adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

Dumating din sina Presidential spokesperson Harry Roque at Communications Secretary Martin Andanar.

“Sino pong kasama ni Pangulong Duterte ngayon? Sino pong naiwan sa bahay?” Tanong ni Escudero.

“S’ya (Duterte) lang po. Siya lang mag-isa,” sagot ni Go na nagsindi ng tawanan sa session hall ng Senado kung saan ginaganap ang pagdinig.

Paulit-ulit na sinabi ni Go sa pagdinig na fake news ang isinulat ng Inquirer at Rappler na nakialam siya sa pagpili ng bibilhan ng combat management system para sa barko.

Nagpakita rin ng suporta kay Go sina Assistant Secretary Mocha Uson, PCSO Board director Sandra Cam, mga aktor na sina Robin Padilla, Philip Salvador, Cesar Montano at Vivian Velez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?