51

Jul 1, 2020 @ 12:49
By

PAGCOR nagbabala vs pa-bingo, iba pang sugal sa FB

Pinag-iingat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang publiko laban sa ilang indibiduwal na nag-oorganisa ng illegal bingo games at iba pang online gambling gamit ang Facebook.

Sinabi ng PAGCOR sa kanilang babala na sinasamantala ng ilang indibiduwal ang social media at ang pagkatakot ng publiko sa coronavirus disease 2019 (COVID019) pandemic para gamitin sa iligal na gawain.

Binalaan ng PAGCOR ang publiko na huwag tangkilikin ang mga iligal na aktibidad upang maisawan na mabiktima ng scam, identity theft at credit card fraud.

Pinaalala rin ng PAGCOR na isang krimen ang pagpusta sa mga iligal na sugal.

Wala umanong sinomang tao o organisasyon, maliban lamang sa mga lisensiyado ang pinapayagan na magbukas ng operasyon ng sugal sa Pilipinas, kasama na ang online gambling.

Samantala, sa hiwalay na liham, binigyan ng babala ni PAGCOR chief legal counsel Atty. Roderick R. Consolacion ang Facebook Philippines laban sa panggagamit ng ilang tao na nag-oorganisa ng illegal bingo game at online gambling.

Umapela si Consolacion sa Facebook Philippines na kaagad aksyonan ang mga iligal na aktibidad sa kanilang social media platform para maiwasan ang pagdududa na kinakanlong nila ang iligal na sugal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?