pantaleon-alvarez
By

Pagbuwag sa Road Board, aprub sa Kamara

Sharing is caring!

Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukala na naglalayong buwagin ang Road Board.

Sa botong 172-0, inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 7436 na iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang Road Board ang naatasang mangasiwa sa pondong nakokolekta mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) para magamit sa road maintenance, road drainage improvement, pagkakabit ng mga traffic lights at iba pang safety devices, gayundin sa air pollution control.

Pero base sa reports ng Commission on Audit (COA), ilang iregularidad ang nasilip sa paggamit ng nasabing pondo.

Kaya naman sa ilalim ng panukala, ililipat na ang gamit ng bubuwaging Road Board sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inaamyendahan din nito ang alokasyon ng Special National Road Support Fund sa 40 porsiyento, Special Local Road Fund sa 40 porsiyento, Special Pollution Control Fund sa 10 porsiyento, at Special Vehicle Pollution Control Fund sa 10 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?