14

By

Pagbuwag sa ERC, tinatrabaho na ng mga kongresista

Sharing is caring!

Binabalangkas na ng joint technical working group ng House committees on energy at government reorganization ang consolidated bill na aamyenda sa probisyon ng batas na bumuo ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Camiguin Rep. Xavier Jesus “XJ” Romualdo, chairman ng committee on government reorganization, bagama’t walang timeline sa panukalang batas na bubuwag sa ERC, hiniling anya ni Speaker Pantaleon Alvarez na gawin itong prayoridad.

Ayon naman sa chairman ng binuong TWG na si 1-CARE partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta, napagpasyahan ng dalawang komite na gamiting lead bill ang bersyon ni energy committee chairman Lord Allan Velasco.

Sa ilalim ng panukala, magiging siyam ang commissioners ng bubuuing Philippine Power Commission (PPC) na papalit sa ERC.

Ang paliwanag dito, kapag siyam ang komposisyon ng PPC ay maso-solusyunan ang problema sa quorum lalo na kapag may mga sinususpundeng commissioner at mas mabibigyang-pansin ang mga kaso at problema sa buong bansa.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang komisyon na magtalaga ng acting commissioner habang naghihintay ng kapalit.

Pabor naman ang mga miyembro ng TWG na manggaling sa iba’t ibang sektor ang mga commissioners kabilang ang mga abogado, engineer, accountant at ekonomista. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?