55

By

Pagbuwag ng PCGG, OGCC pipigilan ni Duterte – Guevarra

Sharing is caring!

Hindi natitinag si Justice Secretary Menardo Guevarra sa hakbang sa Kamara de Representantes para sa pagpapabuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Ayon kay Guevarra, malayo pa ang lalakbayin ng nasabing panukala lalo na’t wala pa itong counterpart bill sa Senado.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naipasa sa Kamara de Representantes sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pagbuwag sa PCGG at OGCC.

Isinusulong sa panukala na gawing independyenteng tanggapan ang OSG at ito na ang hahawak ng tungkulin ng dalawang pinabubuwag na ahensiya.

Sinabi pa ni Guevarra na bagamat inirerespeto nila ang hakbang ng Kamara, mas nais niyang manatili sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice (DOJ) ang PCGG at OGCC.

Dagdag pa ng kalihim, hindi pa niya natatalakay sa Pangulong Duterte ang nasabing panukala kung saan maaari itong pigilan ng presidente sa pamamagitan ng pag-veto.

Ang OSG sa kasalukuyan ay attached agency ng Department of Justice.

Ang pangangasiwa sa PCGG na naitatag sa ilalim ng Executive Order No. 1 na inisyu ni Dating Pangulong Corazon Aquino ay nailipat sa DOJ sa bisa ng Executive Order 643 na inisyu noong 2007 ni Dating Pangulong Gloria Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?