206
Pagbuo Department of Water nais isulong
Jun 2, 2019 @ 12:30
By

Pagbuo Department of Water nais isulong

Dapat umanong magkaroon ng Department of Water ang Pilipinas upang pangasiwaan ang water resource management imbes na magkaroon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na mayroong iba’t ibang tungkulin kaugnay sa tubig.

Ayon kay Antonio Tompar, president at chief executive officer ng Mactan Rock Industries Inc., maraming ahensya ang sangkot sa water resource management sa bansa.

Ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ay siyang namamahala sa development ng water supply systems sa mga area sa labas ng Metro Manila habang ang National Water Resources Board (NWRB) naman ang nagreregula sa lahat ng water-related activities na may impact sa kalikasan at ekonomiya.

Ang Bureau of Soil and Water Management (BSWM) ang nagpropromote ng prudent soil and water management para sa sustainable agriculture. Sa kabilang banda, ang Environment Management Bureau (EMB) at ang Department of Health (DOH) ang naniniguro sa water sanitation.

Responsable naman sa watershed management ang National Power Corporation (NPC) at ang National Irrigation Administration (NIA).

Dahil importante umano ang tubig sa pang araw-araw na buhay, ani Tompar dapat umanong magkaroon ng isang ahensya na magpapahayag ng napakaraming concerns sa tubig.

Sa roadmap on the state of water and sanitation sector sa Pilipinas, napag-alaman na ang hiwa-hiwalay na pamamahala sa isyu ng tubig at ang uncoordinated na implementasyon ng mga programa at proyekto ay kabilang sa mga isyu na dapat ipahayag.

Matatandaang noong nakaraang taon ay isinulong ni LWUA acting administrator Jeci Lapuz ang pagsasagawa ng water department.

Samantala, nanawagan din si Tompar na maglaan ang pamahalaan ng mas maraming pondo para sa development ng water supply systems.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?