nuggets-jazz

Pagbulusok sa 3rd quarter, naging puhunan ng Nuggets laban sa Jazz

Sharing is caring!

Nagawang makontrol ng Dever Nuggets ang third quarter matapos ang palitan nila ng kalamangan at pagtatabla sa iskoring ng Utah Jazz upang maiuwi ang 99-91 panalo nitong Biyernes (Sabado, Manila time) sa Pepsi Center sa Denver.

Nakapagtala muna ng pitong pagtatabla sa iskoring at 13 palitan ng lamang ang dalawang koponan, nang makakawala ng 38-16 ang Denver sa Utah sa the third.

Nagpaningas sa Nuggets si Trey Lyles sa career-high 26 points at 17 rebounds na pinalasap sa dating niyang team na Jazz.

Tumuntong ng third quarter ang Jazz na abante ng tatlo at naging anim pa sa 3-pointer ni Ricky Rubio, may 10:10 natitira sa third.

Nanakaw ng Nuggets ang abante at pumasok ng fourth tangan ang 84-65 kalamangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?