56

Dec 25, 2017 @ 11:38

Pagbuhay sa seven-year rule, ‘di target si Mbala – UAAP off’l

Pinabulaanan ng mga opisyal ng UAAP na bubuhayin nila ang seven-year out-of-high school rule para lang madiskuwalipika si Ben Mbala sa pagsabak sa La Salle sa susunod na season.

Sinuspinde kasi ang patakaran ng UAAP board na naglilimita sa pitong taon sa isang player sa paglalaro sa team mula nang grumadweyt ng high school, na inaasahang ipapatupad muli sa Season 81.

Isang opisyal umano ng UAAP, ayon sa Spin.ph, na hiniling na huwag na siyang pangalanan, ang nagsabing hindi totoo na bubuhayin ang naturang rule para targetin si Mbala.

Kamakailan kasi ay nagdesisyon si Green Archers star Mbala na iwan ang UAAP at maglaro sa Mexican professional league dahil sa wala umanong kasiguruhang status nito sa collegiate league dahil sa naturang patakaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?