141

Dec 9, 2017 @ 10:46

Pagbuhay sa peace talks sa NPA, ipinahiwatig ni Duterte

Nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magbalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista.

Sa kanyang talumpati sa 84th anniversary celebration ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Bulacan, nag-cooling off lang umano ang paghinto ng gobyerno sa pakikipag-usap sa mga rebelde.

Aniya, may hindi pa umano pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde at bigyan ng panahon upang humupa ito.

Ayon kay Duterte, dapat umanong iangat ang level ng negosasyon sakaling ibalik ang peace talks kung saan walang pag-atake na magaganap at iginiit na dapat itigil ng mga rebeldeng New People’s Army ang iligal na aktibidad tulad ng pangingikil ng revolutionary tax sa mga negosyante.

Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang chief government negotiator, na may pag-asa pang muling buhayin ang peace talks.

“May pag-asa habang nabubuhay si Presidente at ako,” ani Bello sa mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?