8

Dec 28, 2020 @ 16:12
By

Pagbuhay sa death penalty prayoridad ng Senado sa 2021

Kabilang sa mga prayoridad na panukalang batas ng Senado sa susunod na taon ang pagbuhay sa parusang kamatayan, paglikha ng bagong departamento para sa mga overseas Filipino at pagtaas sa edad ng statutory rape.

Batay sa dokumentong ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III, ang pagbabalik sa death penalty sa bansa ang ikatlong prayoridad ng Senado sa ikalawang regular session ng 18th Congress.

Nabuhay ang mga panawagan na ibalik ang death penalty sa bansa matapos ang pagpatay ng isang pulis Parañaque sa isang mag-ina sa Tarlac.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang pagbuhay sa death penalty ay may “50-50 chance” na maipasa sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?