28

Feb 5, 2020 @ 18:30
By

Pagbuga ng sulfur dioxide ng Taal Volcano humihina

Humihina na umano ang pagbuga ng bulkang Taal ng toxic gas na sulfur dioxide.

Ayon sa Phivolcs nitong Miyerkoles, ang paglabas ng sulfur dioxide ng Taal Volcano ay nasukat sa average na 55 tonelada kada araw noong Pebrero 4.

Malaki ang ibinaba nito kumpara sa 231 tonelada noong Pebrero 3.

Sa ngayon ay mahinang usok ang lumalabas sa bulkan na may taas na 50 hanggang 100 metro at bumabagsak sa southwest.

Nananatili pa sa ngayon sa Alert Level 3 ang Taal Volcano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?