13

By

Pagbubuntis ni Rochelle, nahulaan ni Ogie Alcasid

Sharing is caring!

Mukhang merong tinatawag na ‘discernment’ si Ogie Alcasid. Kuwento kasi ni Rochelle Pangilinan, wala pa siyang kaide-ideya na buntis siya, bigla na lang daw siyang sinabihan ni Ogie na buntis na siya.

Kaya raw nang malaman nga nila ni Arthur Solinap na buntis na siya at ninong at ninang din nila sa kasal sina Ogie at Regine sa mga una niyang tinawagan at sinabihan.

“Well, base sa ultrasound ko kasi, May 25 ako nag-conceived. Nagkita kami ni Kuya Ogie sa restaurant niya, yung Hungry Samurai, habang kumakain ako, bigla siyang lumapit at nakahawak siya sa mukha niya, sabi niya, pasensiya ka na ha, pinapasabi ng Holy Spirit, buntis ka raw, e.

“Ako naman, noong kumakain ako, parang naisip ko, parang tanga ‘to! Hahaha! Pero seryoso siya. Pero naging masaya ko. Then, sabi niya, balitaan mo nga ako after two months. So, yun, tinawagan ko siya at nakausap ko si Ate Reg.

“Ang taas ng tili niya na walang makakagawa nu’n, tapos noong tumawag ako, siya ang nauna na nagsabing, buntis ka ‘no?! Tapos yun na. Then, nakausap ko nga si Kuya Ogie, pero hindi niya maalala yung sinabi niya sa akin. Kaya ako pa ang nag-remind sa kanya.

“Tapos sabi niya, talaga? Sinabi ko ‘yun? Parang natatawa siya. Tapos, pinag-pray-over nila ko sa phone. Kasi, ‘di naman magtagpo-tagpo ang schedules namin.”

March 2019 pa raw ang due date niya. At sa ngayon, nae-enjoy niya raw talaga ang pagbubuntis niya at masaya rin daw siya dahil kahit preggy na, tuloy-tuloy lang siya at wala naman daw nagiging problema sa kanya sa pagte-taping niya ng primetime series na Onanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?