20

Oct 7, 2021 @ 17:21
By

Pagbubukas ng sinehan depende sa say ng IATF – Roque

Pag-uusapan at pagpapasyahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panawagang buksan na ang mga sinehan sa Metro Manila kahit nasa alert level 4.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa agenda na sa pulong ng IATF ang kahilingan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines na magbukas na sila ng operasyon.

Pero sinabi ng kalihim na hindi uubra sa alert level 4 ang hirit na magbukas ng mga sinehan kundi ito ay ikonsidera sa alert level 3.

“Ang alam ko nasa agenda na yan mamaya ng IATF pero ang pagbubukas napag-uusapan ay level 3 hindi po level 4,” ani Roque.

Umapela ang samahan ng mga sinehan na payagan na silang magbukas ng operasyon dahil marami na rin naman umano ang bakunado sa Metro Manila at maituturing din naman silang essential industry.

Bukod dito, nag-aaply na rin naman ang asosasyon ng safety seal at nangakong susunod sa safety protocols na ipinaiiral ng gobyerno laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?