30

May 18, 2020 @ 9:09
By

Pagbubukas ng mga mall sa Cavite sinuspinde ni Remulla

Ipinagbawal muna ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mall operations sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa kanyang Facebook post, suspendido ito hanggang makapagpakita ng plano ang mall owner kung paano ipapatupad ang social distancing.

Paalala niya, naka quarantine pa rin ang lalawigan kayat kailangang tuloy-tuloy pa rin dapat ang pag-iingat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?