19

Oct 30, 2021 @ 9:51
By

Pagboto ng mga local absentee voter simula sa Abril 27

Nagtakda ng mga guideline ang Commission on Elections (Comelec) para sa local absentee voting ng mga manggagawa ng gobyerno, militar at media sa 2022 elections.

Magkakaroon ng manual system ng pagboto at maaari lang bumoto ang mga local absentee voter para sa national post, tulad ng presidente, bise presidente, senador at party-list group.

Batay ito sa Comelec Resolution No. 10725 na pinirmahan noong October 27.

Dapat mag-file ng kanilang aplikasyon bilang absentee voter sa o bago ang Marso 7, 2022 ang mga government employee, uniformed personnel at mga miyembro ng media.

Isasagawa ang pagboto ng mga local absentee voter mula 8AM hanggang 5PM sa Abril 27 hanggang Abril 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?