32

Jun 23, 2022 @ 20:20
By

Pagbiyak sa Maguindanao idadaan sa plebisito

c
Ang planong paghati sa lalawigan ay nakasaad sa Republic Act 11550. Bukod pa rito, nakasaad din sa naturang batas na maisasakatuparan lamang ang paghati sa Maguindanao sa pamamagitan ng plebisito o botohan ng mga apektadong residente.

Plano ng naturang batas na hatiin ang lalawigan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ang Maguindanao del Norte ay bubuuin ng mga bayan ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, at Talitay. Ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ang magsisilbing kabisera nito.

Samantala, ang mga bayan ng Ampatuan, Buluan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, at South Upi ang bubuo sa Maguindanao del Sur. Ang bayan ng Buluan ang magsisilbing kabisera nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?