21

By

Pagbitiw ni Paolo bilang Davao City VM, tinanggap na ni Duterte

Sharing is caring!

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ng kanyang anak na si Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte.

Sinabi kanina ni Presidential Spokesman Harry Roque, opisyal nang tinanggap ng Presidente ang pagbibitiw ng kanyang anak na inianunsiyo noong December 25.

Ayon kay Roque, kanina lamang inaksiyunan ng Pangulo ang pagbibitiw ng kanyang anak.

“The President has already accepted this afternoon the resignation of Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte,” ang mensahe ni Roque na ipinadala sa pamamagitan viber message.

Maratandaang araw ng Pasko nang ianunsiyo ni Vice-Mayor Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto matapos ang special session sa Davao City Hall.

Ginawang dahilan ng bise-alkalde ang problema sa pamilya at ang sobrang pulitika. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?