PCSO
By

Pagbitiw ni Corpuz, walang kinalaman sa sisibakin ni PDu30 – PCSO

Sharing is caring!

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi kasama si resigned Chairman Jose Jorge Corpuz sa mga kumakalat na balitang isang chairman ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PCSO, malinis at maayos ang pamamalakad ni Corpuz sa ahensiya kaya walang katotohanan na kasama ito sa maaalis na gabinete.

Dagdag pa nito, una nang nagbigay ng resignation letter si Corpuz sa opisina ng Malacañang upang ipabatid ang kanyang pagbibitiw dahil sa isyung pangkalusugan, kasunod ito ng anunsiyo ng Palasyo na may sisibaking chairman ang Pangulo.

Ngunit nabawi rin dahil sa paglilinaw ng Palasyo na hindi kasama si Corpuz sa mga sisibakin dahil sa korapsiyon.

Samantala, hindi muna nagbigay ng iba pang komento ang pamunuan ng PCSO hinggil dito dahil nakatakda silang magpatawag ng press conference sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?