189

By

Pagbisita ni Duterte sa Amerika, posible na – Locsin

Sharing is caring!

Nagkaroon ng posibilidad na umapak sa kalupaan ng Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbabalik ng Balangiga bells.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., maaaring mabasag ang sinabi noon ng Pangulo na hindi kailanman bibisita sa Amerika, dahil sa pahayag ng US na ibabalik ang naturang tatlong kampana sa bansa.

“There’s one little resolution in Congress which has to be addressed. And apparently, when I got here, while I was here, that has been addressed and the bells are coming back,” ani Locsin.

“Well, they’re coming back so he (Pangulong Duterte) will have to go there, to the United States. I would think. If that’s the condition he made,” dagdag pa ng opisyal.

Ikinatuwa umano ng Pangulo nang malaman ang naturang balita.

Sinabi pa ni Locsin na tinanong siya noon ni US Ambassador to the United Nations Nikki Haley kung kailan bibisita ang Pangulo sa US at naalala niya ang tugon niya noon na pupunta lang ng Amerika ang Punong Ehekutibo kapag naibalik ang Balangiga bells.

Nauna nang umapela ang Pangulo sa Amerika hinggil sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa State of the Nation Address nito noong nakaraang taon dahil alaala umano ito ng kabayanihan ng mga ninuno laban sa American colonizers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?