17

By

Pagbisita ni Chinese President Xi Jinping, pinaghahandaan na ng Palasyo

Sharing is caring!

Naghahanda na ang Malacañang para sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa susunod na linggo.

Opisyal nang inianunsiyo ng Palasyo ang dalawang araw na State Visit ni President Xi sa bansa mula November 20-21.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang state visit ng Chinese President ay batay sa imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kauna-unahang pagbisita ng lider ng China sa loob ng nakalipas na 13 taon.

“The Palace wishes to announce the forthcoming State Visit of Chinese President Xi Jinping.

Upon the invitation of President Rodrigo Roa Duterte, Chinese President Xi Jinping will undertake a state visit to the Philippines from 20-21 November 2018. It will be the first state visit of a Chinese President in 13 years,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na aasahang maraming pag-uusapan sina Pangulong Duterte at Pangulong Xi na kapwa pakikinabangan ng Pilipinas at China at mas magpapatatag sa relasyong bilateral ng dalawang bansa.

“During the state visit, the two leaders will exchange views on areas of mutual concern and chart the course for the future of Philippines-China bilateral relations,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?