3,278

By

Pagbisita ni Bato sa Guam, binarahan

Sharing is caring!

Hindi na itinuloy ang dapat sana ay meeting ni dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa sa mga senador sa Guam kahapon.

Ayon sa report ng The Guam Daily Post, naka-iskedyul ang pakikipagkita ni Dela Rosa sa mga senador sa Guam Congress Building na para umano sa “courtesy visit”.

Noong Biyernes nagbigay ng notice si Sen. Dennis Rodriguez Jr., na siyang nag-iskedyul sa mga senador para dumalo sa courtesy visit, na hindi na matutuloy ito.

Kaugnay nito, nauna nang sinabi noon ni Sen. Telena Nelson, ang chairwoman ng legislative committee overseeing public safety, na hindi siya makikihalo sa paglilibot sa corrections facility matapos niyang malaman na sasamahan nila ay si Dela Rosa.

Maliban kasi sa pagbisita sa Guam Congress building, inaasahan ding sisilipin ni Bato ang mga kulungan sa Guam.

Matatandaang si Dela Rosa ang napili noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang pambansang pulisya.

Binalot ng kritisismo ang kanyang pamumuno dahil sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.

Sa kasalukuyan, siya ngayon ang director ng Bureau of Corrections. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?