872

By

Pagbira ni Trillanes sa joint exploration, pananabotahe – Cayetano

Sharing is caring!

Sinungaling at nananabotahe si Senador Antonio Trillanes IV.

Pahayag ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kasunod ng sinabi ni Trillanes na maaagrabyado ang bansa sa plano ngayong joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Tugon din ito sa sinabi ni Trillanes sa isang panayam na mangingibabaw ang China sa negosasyon para sa joint exploration ng pinag-aagawang teritoryo.

Pagtiyak ng kalihim, sa negosasyon ngayon sa China, sisiguraduhing masusunod ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan at pangalagaan ang bawat sulok ng teritoryo ng bansa.

Titiyakin din daw na matutupad ang utos ng Pangulo na protektahan ang sovereign at economic rights ng bansa.

Hindi raw papayag ang Pangulo sa anumang kasunduang hindi patas at hindi pabor sa sambayanan.

Ito raw ang kanilang aatupagin habang nagkakalat ng kasinungalingan si Cayetano.

“So Senator, keep telling lies, we will keep telling the truth. Keep sabotaging the future of generations to come; and we will keep working on securing a good future for all Filipinos,” sabi ni Cayetano.

Sa kaniyang social media account, isinumbat ni Cayetano na nawalan noon ng kontrol ang Pilipinas sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal nu’ng inatasan ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Trillanes na maging negosyador.

“If you negotiate, surely it will be a sellout, like when President Aquino trusted you and we lost control of Scarborough,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?