503
Abante-TnT-kiko-pangilinan
By

Pagbira ni Duterte kay Roxas, pagtatakip sa kapalpakan ng admin – Pangilinan

Diversionary tactics o paglilihis sa atensiyon ng publiko ang patuloy na patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Mar Roxas, ayon kay Senador Kiko Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, dapat manatiling mapagmatyag ang publiko at huwag magpaligaw sa mga diversionary tactic ng Pangulo para lituhin ang publiko at ilayo sa pagpuna sa mga kapalpakan ng administrasyon at track record ng mga kandidato nito.

Pamumulitika rin aniya ang pagbulatlat muli ng Pangulo sa 2015 Mamasapano massacre at pagsisi sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) kay Roxas na noo’y Interior Secretary.

Dagdag pa niya, dapat na hayaan na lang ang paggulong ng kaso sa mga korte hinggil sa Mamasapano dahil mayroon naman aniyang naihain nang asunto.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Tuguegarao City, Cagayan, Martes ng gabi sa ginanap na kampanya ng PDP-Laban na may dapat na sagutin sa taumbayan si Roxas kaugnay sa pagkamatay ng 44 SAF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?