660
Pagbili ng mga bagong gamit, pinatigil ni Vico Sotto
Jul 15, 2019 @ 13:53
By

Pagbili ng mga bagong gamit, pinatigil ni Vico Sotto

Pansamantalang ipinatigil ni Pasig Mayor Vico Sotto ang procurement para sa mga bagong suplay ng mga kagamitan sa lokal na pamahalaan ng Pasig.

Ito’y matapos lumabas sa ulat ng Commission on Audit (COA) na lumobo sa P1.46 bilyon ang gastusin para sa government supply ng Pasig noong 2018.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Sotto, nakasaad na magpapatupad muna sila ng moratorium sa pagkuha ng suplay ng lahat ng departamento hangga’t hindi nakukumpleto ang kanilang inventory.

Gayunman, sakaling may suplay na na kailangang bilhin ay padadaanin muna ito sa Office of the Mayor para maaprubahan.

Ayon kay Sotto, base sa audit, P25.55 milyon lang ang halaga ng suplay na natuos ng COA, kung kaya’t palaisipan kung saan napunta ang malaking budget ng lungsod.

Paliwanag pa ni Sotto, noong una ay ayaw niya pang magsalita sa isyu na ito dahil baka sabihing namumulitika lang siya pero sa ngalan umano ng transparency kaya niya isinapubliko ang impormasyon na ito.

Samantala, ngayong araw din ang launching ng FOI and complaint units sa Pasig.

Ito’y para pagbigyan ang request ng publiko na makita ang budget ng proyekto, reklamo sa basura, masungit na empleyado at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?