10

Oct 17, 2020 @ 19:11
By

Pagbili ng disinfectant, sanitizer, face mask wala nang limit

Inalis na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limitasyon na ipinatupad sa pagbili ng mga disinfectant, sanitizer at face mask.

Batay iyon sa inilabas na Memorandum Circular (MC) No. 20-25 ni DTI Secretary Ramon Lopez noong Oct. 15.

Ayon sa DTI, siniguro sa kanila na mas marami na ang supply ng mga nabanggit na produkto para sa mga kostumer.

Batay sa lumang MC No. 20-36 Series of 2020, maaari lang makabili ang mamimili ng isang kahon ng 50 face mask, limang bote ng alcohol at hand sanitizer at disinfectant na may sukat na mababa sa isang litro, at tatlong bote naman sa may isang litro pataas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?