134

Dec 5, 2020 @ 14:42
By

Pagbilao mayor pumanaw na

Siyam na araw matapos mabaril sa Barangay Bukal sa Pagbilao, Quezon, binawian na ng buhay si Pagbilao Mayor Romeo Portes dahil sa tinamong tama ng bala sa mukha, Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat, pumanaw sa isang ospital sa Maynila si Portes kung saan siya dinala matapos barilin noong Nobyembre 24 ng hindi pa kilalang suspek.

Nakaupo noon sa tapat ng KGP Building sa J. P. Rizal Street si Portes nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo, lumapit sa biktima at binaril ito sa mukha.

Samantala, nag-alok ang pamilya Portes ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong sangkot sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?