77

Dec 29, 2017 @ 14:00
By

Pagbigay ng puwesto sa ex-BOC off’ls, binanatan ng LP

Tinuligsa ng mga kasapi ng Liberal Party (LP) ang pagbibigay ng Malacañang ng puwesto sa mga dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa kontrobersyal na pagpupuslit ng 604 kilogram ng shabu.

Ayon sa LP, iginagalang nila ang karapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumili ng mga pahahawakin ng puwesto sa gobyerno pero iwasan sana na magtalaga ng mga nasangkot sa iskandalo lalo na sa katiwalian.

Iginiit nila na dito mapatutunayan ng Pangulo at ng kanyang administrasyon ang katapatan sa paglaban sa katiwalian.

“While we respect the President’s prerogative to appoint personalities to positions he deems fit, he must avoid appointing those with questionable integrity and moreso those linked to corruption scandals. The Filipino people need honest men in government service,” ayon sa LP.

Sinabi ito matapos italaga ng Pangulo si dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense (OCD) na nasa ilalim ng Department of National Defense (DND).

Bago pa si Faeldon, itinalaga bilang district collector ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si dating Customs collector Vincent Philip Maronilla.

Itinalaga naman si dating BOC Deputy Commissioner Gerardo Gambala bilang Transportation Security Director sa Department of Transportation (DOTr) habang naging assistant director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) si dating BOC Import Assessment Services Director Milo Maestrecampo.

Si Maronilla ang head ng Manila International Container Port (MICP) kung saan dumaan ang naipuslit na 604-kg ng shabu buhat sa China.

Sina Maestrecampo at Gambala naman ay nakapuwesto sa BOC nu’ng maipuslit ang droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?