117

Dec 26, 2017 @ 10:33
By

Pagbibitiw ni Pulong hindi pa tinatanggap ni Digong

Mag-uusap muna sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Vice-Mayor Paolo “Pulong” Duterte bago pagpasyahan kung tatanggapin o hindi ang resignation nito.

Sinabi kahapon nj Presidential Spokesman Harry Roque, na bagamat walang batas na nagbabawal tanggapin ang resignation ng isang local executive, sinabi ni Roque na bigyang pagkakataon na magkausap ang mag-ama.

“Well, lahat po naman ng resignation sa tingin kailangan tinatanggap. Sa pagkakataong ito ang hinihingi lang ng Palasyo ay yung pagkakataon lang na magkaroon ng ugnayan ang President sa kanyang anak na si Vice-Mayor Pulong,” ang pahayag no Roque.

Ang pagbibitiw ni Vice-Mayor Paolo Duterte ay may kinalaman sa nagung hidwaan nila ng kanyang anak na si Isabelle at ang pagkaladkad sa kanyang pangalan sa umano’y smuggling activities sa Bureau if Customs.

Sinabi ni Roque na hintayin na lamang munang mag-usap ang Pangulo at anak na si Paolo at kapag nangyari ito ay tiyak naman aniya na bibigyan siya ng go signal na isapubliko ang mensahe ng Presidente sa isyu.

“Hayaan muna natin silang magkaroon ng pagkakataong magkausap pagkatapos nila ng kanilang pag uusap e sigurado bibigyan ako ng madato ng Presidente para magphayag ng kanyangmensahe,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?