85
Pagbibitiw ng ilang LP official, hindi tinanggap ni Robredo
May 21, 2019 @ 17:26
By

Pagbibitiw ng ilang LP official, hindi tinanggap ni Robredo

Hindi tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang resignations nina Senador Kiko Pangilinan at Quezon City Rep. Kit Belmonte sa Liberal Party (LP).

Matatandaang si Pangilinan ang nagsilbing campaign manager ng Otso Diretso noong kampanya habang si Belmonte ang Secretary General ng LP.

“The VP has not accepted Senator Kiko’s and Cong. Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together,” saad ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez.

Nagbitiw nitong Martes si Pangilinan matapos matalo ang mga kandidato ng Otso Diretso sa katatapos na eleksyon.

“As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections and I therefore assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat,” ani Pangilinan sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?