39

May 1, 2020 @ 16:00
By

Pagbibigay ng ayuda sa OFWs magiging patas -OWWA

Mas malaking bilang ng overseas Filipino workers sa ibang bansa ang makakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator Hans Cacdac, 70% ng tulong pinansiyal mula sa DOLE ay para sa mga OFWs na nasa abroad habang 50% nito ang para sa mga nasa bansa.

Sa ngayon ani Cacdac ay 35,000 na ang naaprubahan nilang aplikasyon ng mga OFW na nasa bansa at target na mabigyan ay 50,000.

Magiging pantay aniya ang pagbibigay ng ayuda sa mga OFW na nasa bansa, kung saan 50 percent ay landbased habang ang 50 percent ay sea bases o iyong mga seamen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?