173

By

Pagbebenta ng palay, pinadali ng NFA

Gagawing madali na ng National Food Authority (NFA) para sa mga lokal na magsasaka ang pagbebenta ng kanilang palay sa gobyerno.

Ito ang sinabi ni Agriculture Sec. Manny Piñol at aniya hindi na hahanapan ng bank passbook ang mga magsasaka at cash din ang ibabayad sa kanila.

Idinagdag pa nito na tatanggap din ang NFA buying stations na mga ‘walk in’ na magsasaka na magbebenta ng lima hanggang 10 sako ng bigas.

Samantala, magkakaroon din ng pagbabago sa presyo ng palay na ipagbibili sa NFA depende sa ‘moisture content’ ng butil.

Ngunit ayon kay Piñol anuman ang ‘moisture content’ ng palay ay magbibigay sila ng P3.70 kada kilo na buffer stocking incentive.

Binanggit din ng kalihim na ang karagdagang insentibo pa sa mga magsasaka ay bibigyan sila ng isang sako ng ‘inbred seed’ mula sa Philrice sa bawat 4,000 kilo ng bigas na kanilang ipagbibili sa gobyerno.

Tutulong din aniya ang NFA sa paghakot ng mga bigas o palay gamit ang mga sasakyan ng kagawaran.

Binalaan na rin niya ang mga kawani ng NFA na makikipag-kuntsabahan sa mga pribadong negosyante para bilhin sa mas murang halaga ang mga bigas at palay sa mga liblib na lugar at kinalaunan ay ipagbibili sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?